Friday, March 25, 2005

jabines: hnyyeee

gusto ko lang sabihin na hindi ako natutuwa. hindi talaga. oooh men. badtrip kasi. alam kong late na ko nakapagpasa nung project. pero hello. sana pinakinggan ang dahilan. kahit pinakinggan lang.

oh well. too bad.

Tuesday, March 22, 2005

bragais: iglesia katolika

makinig at lumuhod kayo
nasa pulpito na si Damaso
kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan
kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka, maawa ka sa amin


mula yan sa kantang Damaso ng La Pasyonarya, isa sa mga paborito kong banda sa hanay ng mga UP bands. isa ang Damaso sa mga paborito kong kanta nila. ginagad lang siya sa isang kanta ng mga katoliko. nagustuhan ko ang Damaso dahil maganda ang tugtog; kahit may parteng kinakanta ng pasigaw masarap pa rin syang pakinggan para sa akin. isa pa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang Damaso ay ang lyrics nito.

patok na patok siguro ang kantang yan kung sa panahon ng mga prayle yan naisulat. sa kasalukuyang panahon hindi ako sigurado kung aangkop pa ito. ewan ko lang kung may mga pari pa ring katulad ni padre Damaso sa kasalukuyan.

hindi ko gusto ang iglesia katolika. may ilang mga bagay lang akong hindi nagugustuhan sa mga doktrina nila. unang una na dito yung pagbibinyag sa akin nung sanggol pa ko't wala pang muwang; paano nila nalamang gusto kong maging katoliko? ang nangyayari kasi, dahil sa kinagisnan na natin ang pagiging katoliko, hindi na natin ito basta basta matalikuran. parang ikinulong na nila agad tayo sa murang edad, sinusupil na nila ang karapatan nating mamili ng gusto nating sekta o relihiyon. tama bang sundin na lang natin kung ano nalang ang nakamulatan natin? parang 'bakit ba roman catholic ako?' o 'para saan ba yang pagsa-sign of the cross?' tapos napakaluwag ng simbahan sa mga kasapi nila; walang masinsinang pag-aaral ng bibliya (kung bibliya ang basehan ng lahat ng aral ng mga religious sect); nakukuntento nang basahin ang dalawa o tatlong verse sa bibliya sa isang misa pagkatapos ang magiging sermon naman ay tungkol sa basketbol o kaya'y sa laban ni pacquiao. lahat ng gawaing simbahan may bayad, mula sa binyag, pagpapakasal, hanggang sa libing; lahat may bayad. bakit kelangang may bayad ang lahat lahat, parang negosyo? bakit kailangang tawaging Father ang mga pari? paano sya naging mas dakila sa ibang tao? bakit kailangang ikumpisal ko sa kanya ang mga kasalanan ko, at paano nya nagagawang patawarin ang mga kasalanang iyon sa tulong ng pagsasambit ng mga usal na saulado? ang dami ko pang mga tanong. basta, hindi ko gusto ang simbahang kinamulatan ko.

may dahilan ang mga prayle kung bakit nila ginawa ang mga pinaggagawa nila noon sa mga ninuno natin. bakit ngayong wala na sila at mga pilipino na ang may hawak ng mga simbahan tila wala pa ring pagbabago? hindi ko alam. angkop pa rin ba ang kantang Damaso para sa kaslukuyan?

bragais: basketball, maruming sapatos at sermon ng pari

"Hindi ko akalaing matatalo ang San Miguel sa Ginebra. Bilog talaga ang mundo!"

sumakit ang tiyan ko sa katatawa nung magkwento si papa tungkol sa paring nagbitiw ng sentences na 'yan sa taas. nakakatawa naman talaga kasi. natutuwa ako sa mga paring gagawin ang lahat ng paraan para lang makumbinsi ang mga katolikong nagsisimba na makinig ng misa. sa joke nyang iyan, tiyak akong karamihan ng mga lalakeng nasa loob ng simbahan, pati na rin ang mga babaeng nanonood ng PBA, na makaka-relate sa joke nya, ay makikinig na sa sermon nya.

Gran Matador PBA Philippine Cup semi- finals ang tinutukoy nya rito; natalo kasi yung san miguel beermen sa ginebra gin kings. kapansin pansin din ang pagpalit nya ng salitang "mundo" sa salitang "bola." may kasabihan kasi sa basketball na "bilog ang bola" na nangangahulugang sa laro, hindi mo tiyak ang panalo. ginawa nya itong 'bilog ang mundo' na kinuha nya naman sa isang tv ad ng Ginebra San Miguel. hindi na 'ko magtataka kung sabihin ni papa na lahat ng tao sa simbahan ay nagtawanan sa joke na yun.

halos karamihan ng kalalakihang pilipino marunong magbasketball. may barangay ba sa pilipinas na walang basketball court? may barangay ba sa pilipinas na ni minsan ay hindi pa nagkaroon ng basketball tournament? hindi ba't parang hindi kumpleto ang ang isang school year sa UP kung walang org na magha-handle ng basketball tournament para sa freshmen? diba't sa UAAP, basketball lang ang may consistent live coverage? sino bang hindi nakakaalam ng PBA at NBA?

magandang pampalipas oras ang paglalaro nito o kahit ang panonood lang ng mga naglalaro, lalo na sa telebisyon. kapag magaling kang basketball player malaki ang tyansa mong maging endorser ng iba't ibang klase ng produkto (mula sa multi vitamins, gatas hanggang sa pagkain ng baboy); may mga nagiging artista at nagiging pulitiko pa dahil sa basketball. maraming kabataan ang nahihilig sa basketball para maging katulad ng mga iniidolo nila; ang masama lang kung minsan, hindi lang ang galing sa paglalaro ang tinutularan nila, pati ang imahen ng basketball player ginagaya nila.

naisip ko lang. sinadya ba ng mga amerikanong i-introduce ang larong ito sa mga pilipino? naisip ba nila na darating ang panahong ganito?

sapatos. hindi maihihiwalay ang sapatos sa larong basketball. hindi ka lang dapat magaling maglaro, dapat maganda rin ang sapatos mo. ang ganda ng sapatos ay depende sa galing ng basketbolistang nag eendorse ng sapatos. at ang magandang sapatos ay nangangahulugang mamahaling sapatos. willing ka bang gumastos ng limang libo para sa isang pair ng sapatos? naisip kaya ng mga amerikano yon? parang 'tuturuan natin sila ng basketball pagkatapos 'pag dumating ang panahong sobra sobra na ang supply natin ng sapatos, ibebenta natin ito sa mga mahihirap na bansa katulad ng pilipinas.'

parang alam ko na kung bakit may NBA? bilog ang mundo.

cheng:home tv shopping

may bumibili ba talaga sa home tv shopping?
napakamahal kaya ng mga products nila at ayoko mang sabihing ang stupid ng mga products nila.
nito lang, since wala ng mga klase kaya kaibigan ko uli ang tv, e nailipat ko siya sa channel 9 yata o 13...alam mo kung ano ang binebenta nila?
mwahaha...ISANG MALAKING INFLATED NA BOLA!
at kung para saan yun, maniniwala ka bang para siya sa pagpapapayat?
hindi ko talaga alam kung anong utak ang nag-imbento nun, in fairness, creative siya dahil nung pinakita e marami nga naman talagang gamit yung bola..
(sarcastic) puwede siyang upuan habang nag-eeexercise, puwedeng substitute sa barbel, puwede gawing pang-volleyball, puwedeng higaan...
at mahigit tatlong libo siya.
may bumibili ba talaga sa home tv shopping?
e kahit langgam yata binebenta dun at pinapackage para bilhin ng mga walang magawa
Grrr!

cheng:salamat groupmates!

chenes!
tapos na ang sem.
goodbye na sa inyo.
at next sem goodbye na rin ako sa UP.
groupmates, thank you sa lahat.
at sa iyo, Sir U, di ko akalain na malupit ka pala sa mga estudyante...
sana freshie ako uli.
pakiramdam ko kasi iba kapag freshie ka nang kinuha mo ang PP17 at iba din ang experience kapag senior ka na...para kasing kapag senior ka na, nagmamadali ka na sa lahat.
marami din akong natutunan. yun nga lang may mga maling sinasabi si Roland Tolentino, sa palagay ko. halimbawa, na mas discriminated ang mga bakla dahil towards the weaker sex ang drama nila. well, excuse me po, sino ang mas maraming naglaladlad, tomboy ba o bakla?
fave part ko yung alienation under capitalism at yung sa In truth, there is healing...marami kasi siyang pieces of knowledge na binibigay at siyempre fave part ko yung xmas vacation.
mami-miss ko ang pag-akyat sa apat na palapag...hopefully, next sem puro first floor na lang ang classes ko.
so, pano na?
kita-kita na lang tayo sa apat na sulok ng campus
at sa apat na sulok ng mundo...

cheng: virgin si sharon

musta naman ang mga pelikula ni Sharon...
sa totoo lang paborito ko si Sharon. fave ko nga yung minsan minahal kita. pero nitong linggo lang, sa cinema one, muntik na talaga akong masuka sa movie ni Sharon.
grabe, naniniwala na nga yata ako kay Roland Tolentino.
siyempre, virginal ang role ni Sharon sa kailan sasabihing mahal kita. ang kuwento, dinala ng bf si Sharon sa isang motel at inaya siyang mag-sex siyempre ayaw ni Sharon, virgin nga siya di ba, kaya lang may nag-tsismis sa kanila kaya gustong ipakasal si Sharon sa bf niya na tumakbo na. ngayon, gustong ipakasal si Sharon sa isang DOM at dumating na nga si Christopher de Leon.
mantakin mo, nakakainis yung mga simbolismo kay Sharon, sa babae...na bubot pa...hindi pa hinog...piliting hinugin...
ano yun bayabas?
grabe, talaga ang ideology na pinapalaganap ng mga pelikula sa isip ng tao.
parang ang halaga lang ng babae ay ang kanyang virginity.
leche, sana wala na lang first time.

jabines:

syax.kakatapos ko lang ng komiks. dugo't pawis. hay. ano ba to. wala na, di na ko makaisip ng ka-pop-an na post.

mamimiss ko rin ang klaseng to, kahit papano. kahit duguan ang niloloob ko lagi dahilsa hirap.

jabines: pag-ibig

Sa tingin ko, tama ang kasabihan na pag-ibig ang nagpapa-ikot sa mundo. Kung hindi kayo naniniwala, tignan nyo nalang yung mga taong in love. Kaiba.


Minsan, naisip ko, angpag-ibig sa panahon ngayon, ay pop.

Pop ito dahil kadalasan, kathang isip lamang ng mga nais pumasok sa mga relasyong magpaparamdam sa kanilang sarili na masaya sila, na sikat sila, na bida sila at least kahit sa isang tao lang sa mundo. Katulad ng ibang pop, nawawala rin sa uso, kaya nagkakaroon ng mgapagkakahiwalay. Di maiwasan ang masaktan.

Pero ganito kasikat ang pag-ibig. Parang pop.

Sana, hindi na matapos ang pop na nararamdaman ko. :p

Monday, March 21, 2005

Medina: I can't believe its over

mamimiss ko talaga lahat ng mga classmates ko...as in...huhuhu....once upon a gloomy day nagkaroon pa naman ako ng crush sa isang classmate ko kaso un ay tapos na siguro mga 1 hour ko siyang naging crush and dat is what I call temporary madness...sobra kasi akong may sakit noon...siguro ung time na yon feeling ko gwapo siya...si sir sobrang mamimiss ko kasi siya lang ang prof na na-experience ko an kumanta sa class(way to go sir)...sir iniimagine ko kayo nun undergrade palang kayo..kapag magkasama kayo ni sir mykel,siguro ang gugulo nyo...hehehehe....sir aminin...

Medina:lastikman...hehehe

natandaan nyo ba na mayroon isang point sa showbiz na parang lahat nalang ng usong filma ay ung mga sci-fi? kahapon nanuod ako ng lastikman dahil wala lang...syempre super mega pirata un...tapos feeling ko loser ako kahapon dahil nalaman ko na pupunta ng siagao ang parents ko tapos hindi ako kasama dahil kailangan ko daw bantayan ang kapatid ko(juice ko naman eh kahit 15 yrs old yun eh mas matangkad naman sa akin un) kaya un nagdramadramahan ako at nanood ng lastikman...naisip ko na teka mailagay nga ito sa blog kais naman gaya gaya ang mga pinoy movie makers...ung mga special effects dun ay parang a thing of the past na sa states...paro wag ka feeling ko naman pumatok un sa mga bata kasi naman may hang over pa sila ng spiderman...

siguro kung bata pa ako mga 4 yrs old maappreciate ko ung movie pero not now naman noh...nakakaawa na ang mga movies natin are pattern after the western style....sana pati narin ung mga special effects ay kuhang kuha nila....juice ko naman napakapredictable ng story line at sobrang boring....sana kung gagaya sila ay magaya rin nila ang intensity the mga westen movies..un lang

Medina:ballerina

grabe ang mga tao ngayon lahat ng nakikita nila sa t.v at magazine, karamihan ginagaya,....uso nga naman....siguro darating ang time na ang jolog ay uso na at lahat gustong maging jologs....hindi ko ba alam kung bakit ang dami ng mga girls ngayon ang nagsusuot ng mga ballet shoes stuff...I am not saying that they lack the aesthetic bling bling ang all or they are not comfortable because I can say that they are comfy because I have one pero kasi ung iba kahit pumuputok na sa sikip ang kanilang mga paa ay go lang ng go...fight kung fight...basta pakatawanan ang sense of fashion pero good lack nalang sa mga kalyo at paltos...iniisip ko lang sana maging uso na ang mga purple shoes, mint green na slip ons kasi ang lokaret kong tita na parang kalahi ata ni tessa prieto valdez(im not saying that tessa is lokaret) ay nagpadala ng mga shoes na kakaiba ang color dahil artist artisan ang drama noon from lurgan(finland)....sana may magpauso...sige itrytry ko sa summer na magsuot ng mga ganon...pero sisiguraduhin ko na may pangpalit ako dahil hindi ko kakayanin....hindi sapat ang ego ko...

Medina: ang magazine

hindi ako mamagazine na tao....siguro mahilig lang akong tignan ang mga pictures sa magazine pero sobrang tamad na tamad akong magbasa ng mga articales sa magazine...hindi ako masyadong bumibili ng magazine dati kasi hindi ko talaga siya hilig...laging may magazine ang ate ko at un ang tinitignan ko kapag wala akong magawa...

lahat ay nagbago nang ako ay magcollege...

merong isang cager nagaaral siya sa la salle joseph yeo ang pangalan

simula ng makita ko siya grabe sobrang namesmerize talaga ako

from that day on grabe i followed his career.

dahil nga sumisikat na siya naging favorite narin siya ng mga magazines ang other media forms...

kaya ngayon super fan na ako ng magazines

kahit na isang article lang sa kanya or binanggit lang ang name ay sobrang binbili ko talaga ang magazine...quesehodang mamulubi ako...

ewan ko parang talagang nananadyan ang mga magazines kasi parang talagang bumaha ng mga articles and pictures nya kaya ako naman si gaga buy nalang ng buy...

minsan nga natatanong ko sa sarili ko," what do I get from all of these?" tapos may little voice na magsasabing " satisfaction"

sana tangible nalang si satisfaction para bibilhin ko nalang siya instead of all of these para kahit papaano makakamenos ako....

after joseph yeo affirmation dat he has a girlfriend, nandun parin kaya ung intensity...paano kung laos na siya?

syempre hindi ko masasagot yan kasi sabi nga ni david hume "you can't be really certain about the future."

Parang pinagsasamantalahan talaga tayo ng mga capitalist....nagpapasamantala naman tayo...tsk tsk

Medina: ang bench at ang f4

Sobrang left out na talaga ako siguro kasi ngayon ko lang napagtanto ang mga billboards ng bench about the super heroes bling bling...naalala nyo pa ba ng mauso ang love ko bench t-shirt courtesy of dao ming si or jerry yan...heller parang lahat na ata ng mga tao sa lugar namin eh meron noon...parang sasayaw sila...dahil nga super love nila si dao ay carry lang na sadyain pa nila talaga ang super spesipikong item na inindorse ni dao para naman they have a certain part of dao kahit papaano at certain aspect...naalala nyo pa ba ang concert ng mga f4 power na yan dito sa manila....grabe medyo malapit lang yun sa amin..ung bestfriend ko talagang pinagipunan pa iyon para talaga makaupo lang siya sa medyo harapan....sabi ko nga sa bestfriend ko utang na loob naman kahit papaano lumabas naman tayo at magkape para kahit papaano after the week's work eh makapagunwhine tayo....ung babaeng iyon ultimo piso sinisave para makapanood lang...nakakaloka....hindi ako pumunta sa concert kahit na sabi ko sa mom ko na gamitin ko nalang ang savings ko...sabi kasi ng dad ko para daw lokaret ang mga nahuhumaling sa mga ganitong bagay...ayaw akong papuntahin ng dad ko kasi para daw akong tanga parang magpapakamatay para lang sa ganyang bagay....siguro before hindi ko talaga narerealize ang essence ng sinasabi ng dad ko kasi parang lunod na lunod ako sa isang labyrinth....ngayong humupa na ang mga sigawan sa f4 doon ko nakita ang mas malinaw na picture na hindi naman talaga kailluminating ang kanilang mga stellar.

Medina:PURO NALANG TEXT ADVISORY

like ko ang full house at ang stairway to heaven...Grabe hindi ko nga alam kung bakit like na like ko ung...Hindi ko alam kasi siguro to the extreme na ang fascination ko sa mga singkit...

Cutie naman si cholo diba kahit papanaano

kahit pa eh feeling ko na parang sadista siya

Si jessie naman at si justin mga super lovable characters

anyway, alam nyo ba na siguro ay kapag kinonvert mo sa pera ang beses ng pagtext ng globe about something na tungkol sa kanilang text advisory eh pwede na akong maging isang milyonaryo....grabe...sobrang mangulit tungkol sa pagdodownload...one time pa nga eh padala nalang sila ng padala ng hindi mo naman hinihingi tapos before you know it...ayon tachugi na ang load mo......

eh juice ko naman no! puro tungkol lang yun sa mga usong tones daw ngayon katulad minsan ung showing pa ang dreamboy, pindalhan akong ng globe ng tone ng dreamboy..kahit hindi ko naman siya ina-accept eh binawasan parin ako ng load...

tapos ngayon naman nagtext ulit ang globe sa akin about naman sa promo nila tungkol sa theme song ng stairway to heaven....grabe kahit na ilang beses ko na siya binura eh patuloy parin sa pagsend ang globe....grabe ang kulit...meron pa ngang time na first text in the morning eh un lang ang matatanggap mo...grabe kaasar......siguro kahit na sobrang like ko ang stairway at full house hindi parin ako magdodownload ng mga tones ang wallpapers about them....Grabe ang mga telecommunication companies na yan,...sinasamatala ang pagkahumaling ng mga common run of people para kumita sila....siguro meron talagang sabwatan ang nanyayari sa mga kumpanya ng t.v at mga telecom companies...siguro magtetest sila ng anong ang pinaka may possibility na papatok sa konsumer tapos kapag talagang nalugmok at nahumaling ang mga konsyumers sa mga programang ito ay talagang lahat ng bagay na pwedeng i-incorporate natin sa mga palabas na ito ay ipagbebenta nila or ihahain nila sa atin.....katulad diba noong kasikatanng meteor garden...grabe pati bags..t-shirt..thermo mug at kung ano ano pang produkto ang pwede nilang ilako ay ihahanda nila sa publiko....

so malaking sabwatan pala ito na hindi lang t.v companies pati na rin ang mga manufacturers ng mga products na pinagbebenta....sobra na ito...ibagsak ang kapitalismo...

Sunday, March 20, 2005

Medina:Oi oi alam nyo ba?

Sabi edu manzano lahat na daw ng mga bumibili ng mga pirated cd, vcd at dvd ay huhulihin....halimbawa kapag nasa mrt daw kayo or sabihin nating lrt or lrt2 tapos kapag may nakita da sa inyo na mga pirated at kapag inamin daw ng isang tao na sa kanya ang mga pirated na iyon ay automatic huhulihin....basta inamin daw.....kaya sa mga tao if ever na mahuhuli kayo...just deny na lang ng deny o diba para artista deny nalang ng deny...

Medina: Talent portion

grabe ang mga talent portion ngayon ano? once na nanood ako ng t.v eh lahat ata ng talent nila kung hindi kanta ni sara geronimo eh sayaw ng sex bombs....grabe bakit hindi nalang kaya sila magballet or magrecital with matching lokalokahan school of acting...bakit hindi ba sila mapapansin kung hindi famous ang kanilang stint? para sa akin mabuti na rin ang magrecital kaysa naman sa kumanta ng isang sobrang gasgas ng forever is not enough by sara geronimo o isang sayaw ng sex bombs...oh well siguro kaya bumabawi nalang sila sa kasikatan ng kanilang stint dahil nga wala daw silang talent.....eh di sana tumabling tambling nalang sila?....alam ko masyado na akong pakealamera pero napagisip isip ko pagdating sa mga talentalent laging kailangan ung pumatok at kilala ng masa para maging in ka...naalala ko nga ung mga bata kapag dumadalaw sila sa kanilang mga ninong at ninang, kapag hiningi mong sumayaw ita either magootcho-otcho or sayaw ng sex bomb o kung kakanta naman sila eh malamang kanta na pinasikat ni sarah geronimo.....uso nga naman...oh well...pero wag ka sabi ng mommy ko nung araw daw kapag may mga family reunion ang dalawang tito ko ang center of attention kasi daw lagi daw silang hinihingan ng isang piano piece....tapos nakapomada pa daw ang buhok nila at bawal magusot ang mga damit kung hindi palo ang abot...eh ngayon kaya...impossile na hindi magugusot ang damit dahil kung magsikilos ay parang mga walang buto...

Medina: ang pamangkin ko at si Dora

noong nakaraang post ko nasabi ko kung gaano ka-going gaga over that dora girl ang aking pamagkin. Ung nanyayari sa pamangkin ko ay isang uri ng popular culture eh kasi naman grabe ang influence sa kanya ng t.v at mga uso...dati gusto niya baarbie tapos ngayon gusto na niyang maging kamukha ni dora.Ito mga napapanood ng mga kabataan sa television ay parang nagsisilbing extension ng kanilang mga sarili...na kapag lagi nilang napapanood ay parang gusto na nilang maging katulad ang mga imahen ng mga napapanood nila....Usually naman kapag nagagagndahan ang isang tao sa isang bagay ay gusto nila itong makamtan o gusto nilang maging sila ito.ngayon ang itsura ng pamangkin ko ay mukhang magtretreking palagi...dati pa naman ay ubod ng arte un at "finess at lady like" daw sabi ng daddy niya......masyado talgang maimpluwensya ang media...dati kasi nung hindi pa busy ang mga magulang noon ay hindi naman talaga siya ka engross sa mga icon na yan ngayon na laging katulong nalang ang kanyang kasama ay ganito na ang nanyayari sa kanya....hindi kasi siya laging kinakausap ng nanny niya eh kaya iyon ang lagi niyang kaharap ay t.v.....Ung lalaki nga sa heart attack feeling ko kapag nakita nya ung bibigyan niya ng isang super sloppy kisss...nakakatuwang isipin dahil nagiging cute ang mga bata when they started to imitated what they are seeing in the t.v. pero kapag masama na ang nagiging influence nito sa kanila like they throw tantrums often ay talagang hindi na maganda ang nagiging effect nito sa kanila.....Actually kung mapapansin natin ay bata palang ay apektao na ng popular na kultura...inisiip ko lang ang mga matatanda din kaya nagthrothrow ng tantrums? kung oo, paano kaya sila magtantrums?

Medina:Adadis, niki at Prado

noong pumunta kami sa divisoria ng lola ko madami akong nakitang magagandang stuff(how konyo naman...magagandang stuff?) gusto ko sanang bumili kaso nagiipon ako kasi meron akong bibilin na bagay. Ayoko namang magpabili sa lola ko dahil nga ang dami na niyang binili sa akin.....para sa akin kahit hindi sikat o kahit never heard ang tatak ng isang produkto ay okay na ang habol ko lang naman ay quality (oh come on?) well okay minsan binibili ko ang isang produkto dahil sa tatak niya pero minsan lang un kasi hindi naman talaga ako ang bumubili ng mga gamit ko dahil mom ko ang bumibili. mayroon akong nakitang isang bag....grabe ang ganda niya...ang cute nya...gusto ko nga sanang bilhin...tapos nung lumapit ako lalo akong nagandahan kasi mayroon pa siyang garfield on the side....ooopppss, garfield on the side? and since when nag merge si garfield at ang adidas? baka naman masyadong left out na ako sa uso....teka dapat kahit papaano maichichika yan ng friend ko..tapos lumapit pa ako tapos tinignan ko ang tatak...ayos! ADADIS ( beat that!)astig pala itong mga to eh...tapos medyo tumingin pa ako sa iba tapos nakita ko sa isang product ay niki instead of nike....how bizarre ang galing parang real thing talaga ito.....tapos ung isang wallet na nakita ko nakalagay dun ay PRADO instead of PRADA ( prang sa serendipity) ang galing ng mga ito...kopyang kopya.... sa isang konsyumer na hindi kayang bilhin ang orig ay bibili nalang siya ng next best thing....at ito ang mga japeyks.....kahit din pala itong mga gumagawa ng mga ito ay pinapaasa ang mga konsyumer na hindi nyo man mabili nag orig ay kahit papaano mafefeel nyo na nabili nyo ang mga orig dahil kamukhang kamukha ng produkto namin ang orig....grabe talaga ang popular na kultura.....atleast diba mayroon ang mga tao na access sa next best thing....isa lang ang tanong ko kukulihin din kaya ni edu ang mga gumagawa ng gma ganito....wala lang natanong ko lang kasi sa ung ibang produkto sa sobrang magkatulad ang mga gawa nila sa orig ay hindi mo na masasabi ang diperensya....

Medina: talo si pacquiao at mga politikong bulok

how sad naman talo si pacquiao....lagot ang mga politikong hindi man lang nagleave of abscence bago nagsilayasan ang mga balahurang yun....ang kakapal ng mga mukha....karamihan congressman (ayos! magcocongressman na lang din ako someday)...karamihan majority (ayos din! pwede na silang magsession doon)....iniisip ko lang kanino kayang pera ang ginamit ng mga politikong ito a) sariling pera b.) sponsor c.) pondo ng bayan na resulta ng isang matinding kickback sa isang proyektong nakatiwang wang or overpriced project..grabe ang mga politiko talaga may nalalaman pang moral support...hahahaha....imagine dat? meron silang concept ng moral eh diba mga amoral kuno sila....amoral ang excuse nila kapag natetempt sila at winawaldas nila ang pondo ng bayan...they are above morality...akalain mo yun? ang morality ng mga politiko ay isang specialized sphere katulad din ng sa mga saints.mabuhay ang galing nila....dapat ito palang mga ito ang kinukuha ng philosophy department para magturo ng ethics..iniisip ko lang kung ano ang klase ng meta-ethics ang iaaply nila....siguro gagawa sila ng sariling theory..ah let me think...ayon perverted utilitarianism?korak!!!kahit papaano ngayon natalo si manny hindi magagawang sabihin ng mga politikong ito na atleast nanalo si manny at may nanyari sa trip ko...sana there are heads that will be rolling....wish ko lang pero sa galing nilang magpalusot baka sila ang gugulong sa kakatawa dahil gingawa nilang walang utak ang mga constituents nila sa sobrang galing nilang magbola....hay naku

Medina:bakya culture

grabe ang mga foot wear ng mga tao ngayon para silang mga magsasayaw ng tinikling. They are empowered by their bakya. OO mga bakya!Hindi pa ba obvious. Ang daming nakabakya sa campus. Ang mga magagandang bakya na yan ay courtesy of Happy Feet and Hush Puppies. Grabe talaga ang influence ng mass media pati na rin ng mga sosyal...Imagine before nakikita ko lang ang mga bakyang ito sa mga tao sa may rockwell (medyo lagi kami doon before nag start ang sem kasi malapit lang ang bahay ng lola ko doon) grabe ibat-iba ang style ng mga bakya nila. Noong una kong nakita ang bakya as a hip footwear eh akala ko isang trending gamit lang na pinapauso ng mga sosyal tapos pala when I had a chance to have a closer look, un pala bakya lang pala..Ung nalaman ko nga na bakya un eh sabi ko sa lola ko bilhan nya ako tapos biniro pa ako sabi niya kunin ko nlang daw ung nasa cr nila kasi bakya ung ginagamit sa cr... Tapos nga after that madami na akong nakitang press release about bakya. madami akong nakitang article sa dyaryo and mga pix sa magazines about the bakya and all....After that siguro mga january na yun, sinamahan kong bumili ng banig ung lola ko sa divisoria para daw maging kakaiba ung invitation ng ate ko for her house blessing (gusto niya kasi pang bahay kubo motif)nakita ko ang daming mga tindera na nagtitinda ng bakya. Natawa pa nga ako dun sa isa kasi just imagine kahit totoong kahoy ang material na ginamit sa bakya ay talagang binili pa niya...ang bigat kaya dalhin yun...iniiisip ko palang ung sarili kong bakya sa banyo ng lola ko eh nabibigatan na ako paano pa kaya kung ipanglakad mo yun....Okay sabihin na natin na baka naman hindi nya un ipang lalakad..okay fine..pero meron akong nakita sa AS mismo, ipinangtatakbo niya ang kanyang bakya na made out of wood....grabe si wonder woman ata iyon eh...buti hindi nagkakapaltos paltos ang mga paa noon. Hay grabe ang mga uso nga naman...napansin ko inispoon fed ng mga producers at manufacturers ang mga consumers...grabe...tsk tsk

Medina:Bugtong-bugtong....a continuation

Kanina habang nagsho-shooting kame ng mga classmate ko para sa isa nameng report eh bigla nalang nasira ang camcorder ka naisipan muna naming maglaro. Ang napagisipan nameng laruin ay bugtungan (corny ba). Parang thing of the past na ba ang bugtungan? well, I don't think so..kasi naman hindi naman ung tipong mga "prinsesang naka upo sa tasa ang mga bugtong namin na inisip. actually binigyan namin ng new twist ang bugtungan. Ang mga halimbawa ng mga bugtong ay "gamot laging bago" ung mga ganong bugtong. O well, as I was saying we actually proceed to the bugtungan thing. I stated the first bugtong (how konyo naman). well un una kong pinahulaan ay ang line na "talagang trip kita" which ang sagot pala ay super ferry. Syempre dahil report natin si Sharon Cuneta sa panpil 17 kaya siya agad ang pumasok sa isip ko. Meron din naman ung classmate ko na bugtong na "24/7" syempre sobrang dali na nun kasi naman lahat ata ng ka-group mate ko dun sa subjec na un eh sun cellular kaya nahulaan namin agad. Na-isip ko lang na parang isang form na ito ng popular culture kasi naman diba kapag sinabig bugtong we tend to perceive it na para bang sobrang dogmatic na activity ito at para sa mga highschool at elementary. Ung mga tipong pinapahulaan lang ng mga teachers. Kasi kaya ko siya nasabing populr culture kasi ung mga bugtong na ginagamit dito ay ang mga sikat na tag line ng mga commercials na nagstick sa memory ng mga tao especially kapag ang mga taong ito act like consummers. I remember nung minsang nagrocery ako, I was standing next to this couple sa may counter tapos ung girl sabi nya dun sa bf nya(syempre prinesume ko na mga karelasyon sila sa sobrang PDA nila noh) "ano nga ung feminine wash na ung,I forgot na eh" tapos she started singing the lines of the commercial of Iya Villana's commercial sa PH care ata un. tapos ung guy naman sobrang nakarelate kayo un sinabin nya ung product tapos binalikan nila ung feminine wash kasi nakalimutan nilang ilagay dun sa kanilang cart. Ako rin sometimes, when i forget a particular product usually inaalala ko nalang ung commercial nun para matandaan ko. The song of the commercial or the tag line is very important for the consummers in retreiving the name of the product.KAya nga ako minsan kapag kasama ko ung brother ko sa grocery tapos I forgot a particular product especially kung new lang ung product na un sa market eh kakantahin ko nalang ung song or sasabihin ko ung tag line nun tapos masasabi na ng brother ko kasi sobrang t.v buff ung taong un.Anyway I am already losing my tracks dun sa una kong sinabi about the bugtong. Eventually hindi ako nanalo kasi naman para namang walking mass media ung nanalo kong classmate kasi he reads a lot of magazine and newspaper, watches a lot of movie and television and listens to the radio more often than us.kaya un nagshooting nalang kami after ng game kasi na ayos na ung camcorder eh.grabe ibang iba na talaga ang mga panyayari...dati diba sobrang nakakaloka ang mga bugtong sa sobrang hirap tapos ngayon siguro pakag lagi kang nananuod ka tapos ganito ang klase na ng laro eh talagang wala ng isip isip automatic ang sagot...grabe lahat ng bagay pinapadali ng pop culture

Thursday, March 17, 2005

Medina: wala lang

Im not in the mode to be philosophical to analyze the pop culture. oi pero in fairness jeremy napachessy ng mga post mo! Ask ko lang nasan na kaya si joy? wala lang namimis ko na kasi siya eh. Oi alam mo rachel alam mo ba nung minsan pumunta ako sa isang party eh puro mga frens ko naman ung mga nandun kaya ung mga frens ko nag-gluton glutonan tapos pero akong isang friend na hindi niya naubos ung food niya tapos sabi ko sa kanya oi hipo( short for hippopotamus, tama ba spelling? anyway) sabi ko sa kanya ubusin mo yang food mo kasi ang daming pipol na hindi nakakakain tapos ikaw you have all the chance in this world na para mau bos mo yang food mo pero ano ang ginagawa mo itatapon mo lang, tapos sabi niya sa akin, bakit makakakain ba ang mga pipol na yon kapag inubos ko itong food ko, diba hindi naman. Gutom parin sila at ako naman ay busog parin. Grabe napagisip taaga ako kasi diba tama naman siya kahit na madaming nagtatapon ng food marami paring nagugutom. it doesn't make a difference. Tapos ang sinabi ko nalang ay atleast you take advantage of your status as a privelge one kasi may kinakain ka. Wala lang random thoughts lang.Oi pipol lets allot naman a time na para makapagusap tayo parang conference.... kelan ba kayo free?tomorrow kaya ng hapon?

raquel: kuripot daw ako?

hehehe.. totoo yun!!!

anyway, usapang pera tayo.
Masyado na kasing laganap ang kapitalismo sa bansa.
Ang isa pa, lahat ng tao ngayon naghihirap.

mantakin mo to: ilang daan o libong pamilya ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa ISANG ARAW?? marami,, ilang tao ang nagsasayang lang ng pagkain dahil nagdadiet daw???

Kalokohang ang pagdadiet!!!!

Bakit kinakailangan mong pigilin ang sarili mong maging masaya sa pagpigil mo sa pagakain??? Sinong nagsabing pangit ang mataba???

sa lahat ng nagdadiet, PAUMANHIN!!!

nagdiet din kasi ako,, pero hindi ko natagalan.
Para hindi mabigla katawan ko, binawasan ko ang kinakain ko ng isang langgo. one cuop of rice na lang sa dating dalawa. Pero mayroon pa ring snacks. Tapos ok pa. Nung sumunod na linggo, tinanggal ko yung snacks at one cup of rice pa rin.. kay pa naman, pero may kasamang exercise to ah... aba nung tumatagal, lalo akong natutuksong kumain!!!! nanghina ako nang todo, as nanghina...

Simula nun, kinalimutan ko na ang pagdadiet.. Kainis kasi.. ano ba kasing pakay nung mga nagdadiet na ubod na ng payat? tinotorture ba nila mga sarili nila?? Ang sarap mabuhay nang puno ng pagkain!!! Bakit kailangang pagkaitan ang sarili sa ganitong kaligayahan???

Basta eto lang ang masasabi ko:: [wala na akong pambayad sa internet! hini ko panagagawa ang paper na dapat kong gawin!]

kung magdadiet, siguraduhing maganda ang layunin. Tulad ko, gusto kong pumayat kasi madali akomnh hingalin... nakakatakot, baka bigla na lang akong atakihin!!!
Tapos, panindigan! kailangan ng disiplina!!! un lang.. basta, bahal kayo!!! heheheh






---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
mamimiss ko ang pan pil 17!!! kahit na bumabagsak ako... huhuhu

Raquel: pangit ang mga nagpapakamatay!!!

kapag hindi na matakasana ang problema, NAGPAPAKAMATAY!!!

KATANGAHAN!!

Lalo lang nilang pinatunayan na LOSER sila!!!

hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit at paano nila naiisipang gawin ito? samantalang ang daming rason sa mundo paramaging masaya!!! kalokohan ang kitiling ang buhay para sa isang obsesyon!! sayang, MANGHINAYANG naman kahit konti!!

sa palagay ko, ang mga taong ito yung mga OA ma-depress o obses sa isang bagay o tao.. nang hindi nagtitira nang konting pagpapahalaga sa kanilang sarili kaya pag adumating ang panahin na wala na ang bagay na kinahuhumalingan nila, feeling nila na wala na rin silang kuwenta dahil wala na ang mga sarili nila!!! Kalokohan talaga!!! Eh kung hindi ka naman ba engot eh hindi ka nagtira ng konting pagpapahalaga sa sarili? Anu yun, feeling super hero na ibubuwis ang buhay para sa isang tao o bagay?

Bakit yung bang tao o bagay na yun eh handa ring magpakamatay par asa yo?? Tsong, gumising kayo!!!! If you need help, humingi ng tulong sa mga counselors, sa psychologist o kung feeling nhiyo na sakit na iyon, sa psychiatrist. Hindi naman ibig sabnihin na kumunsulta kyao sa mga taong eto ay BALIW na kayo!! at least, nasa katinuan pa akyo para tanggapina gn problema at may kotrol pa kayo sa mga pangyayari...

May kilala ako, inlove daw siya sa isang tao.. the term is IN LOVE. oh well, hindi ko siya puwedeng kuwestyunin dun kasi buhay niya yun. tapos magkalayo sila.. ang masaklap, nawala yung communication nila nung taong mahal niya. Ngayon, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari!!! nasira pag-aaral niya.. haay!!! tapos nung isang araw, sabi niya magpapakamatay day siya kasi ang dami-dami na niyang problema. sa totoo lang, gusto ko siyang bugbugin at batukan nang matauhan!!! Nakakainis ang mga taong helpless!!! Masyado nilang pinoproblema ang problema kaya ang nangyayayari, hindi sila nakakaisip ng mating paraan para maresolba ito. Ang ang tanging solusyon DAW: SUICIDE!!! p@<$][*^!!!!! HAAAH!!!

umiinit na naman ang ulo ko!!!

*hingang malalim*

Basta sa lahat ng gustong magpakamatay, siguraduhin niyong mamamatauy kayo at may iiyak sa pagkamatay niyo!! baka tawanan kayo ng lahat sa katangahang ginawa niyo!!!


_____________________________________________________________________________________=====================================================================================-------------------------------------------------------------------------------------
TANDAAAN: HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA!!!

Raquel:magpari kaya ako?

Sabi ng mga engot na in-love:
"kapag hindi ko sya napasagot, MAGPAPARI ako!!!"

weird di ba?? gawin bang diversion ang pagpapari?!!!

Nangghaling ako sa isang catholic institution kaya alam ko kung gaano ka-fake ang IBANG pari!!!

pero atin ating lang to ah!!!

maraming vow vow na nalalaman ang mga paring ito.. vow of celibacy, vow of obedience, vow of poverty.

unahin natin yung VOW of OBEDIENCE:
sa totoo lang, hindi ko ito maintindihan. ano bang obedience ang gusto nilang palitawin? magiging masunurin sila sa utos ng bibliya? ewan.. pero kung ito ang basehan ng grade nila, bagsak sila dito!!!

pangalawa yung vow of POVERTY:
sabi nga sa amin, kung gusto mong yumaman, magpari ka.. totoo nga naman, yung parish priest nga sa amin, naka starex. Aba nung susunod na buwan, iba na naman.. kalokohan na ito!! sa pagkakaintindi ko, ayon sa vow na ito, wala silang karapatang magmay-ari ng materyal na bagay lalo na kungmamahalin, aasa sila sa tao. [ngek!! mali ata!] basta gaunu.
eto pa, pialalakad ng pari yung school namin, pero mind you, komersyalisado ang school namin. profit oriented. Hindi ba dapat libre o mababa lang ang tuition kapag pari o madre ang mamamalakad? kasi diba, service? tapos, yung pari na yun, ang sungit!!! pero in fairness, biagtin siya, he has got an expensive phone at magarang sasakyan!! ay ewan talaga!!!

Eto ang pinaka karumaldumal!!!! VOW OF CELIBACY!!
eh ang daming pari dyan na may mga anak!! the more na pinipigilan silang mg-asawa, lalo naman silang nagiging pasaway?? Eh anung pakay ng vow na ito?? To be totally commited sa kunwaring tinatawag na church??

Ang pari ay tao rin, may pangangailangan. Kung pinili man nila ang bokasyon na ito, dapat nilang panindigan. Pero sa palagay ko, dapat silang bigyan ng karapatang mag-asawa. Ano na lang ang silbi nila sa mundo? Magsermon at maging bitter habambuhay kasi wala silang mga anak? kaya nga nagagawa nilang lumihis sa mga sinumpaan nila eh! Haay naku!!! Hindi naman masama ang magkapamilya kungnnagagampanan naman nila ang mga responsibilidad nila, di baH???

Raquel: bloody!!!!

yehey!!! bakasyon, here I come!!!
pero hindi pa ako dapat magsaya... ang dami ko pang dapat tapusin.
ang masaklap pa dun, hindi ako marunong magdrawing para sa comics... enjoy pa man sanang gawin yun...

at sa inaraw-araw na ginawa ni Lord, hindi na ako umalis sa computer cafe na ito at nakatunganga habang lumilipas ang oras para makapag-isip ng masusulat dito...

anyway, mahal na araw na next week.... ang okasyong pinakaayaw ko sa lahat.. MADUGO!!!

ang daming nagpepenetensiya!!!

::::::Yuck!!!::::::::::
masaklap... madugo, malansa ang paligid...
ang nakakainis pa, dumadaan sila sa bahay namin.

2 0f 2
Oh well, siguro nga talaga. marami pa ring deboto na naniniwala sa penetensya. Feeling nila, sinasamahan nila si Christ sa kasakitang dinaranas nila sa pagpapadugo sa likod, pagbubuhat ng krus o pagpapapako dito.. Pero hindi ba't sa araw-araw na nagigising tayo ay kasama nanatin siya sa pghihirap? The mere fact na hindi mo alam kung anung mangyayari sayo after twenty seconds ay mahirap na..

isa pa, ang totoong nakakatulong sa mga taong ito ay hindi ang sakit na dinudulot nila sa kanilang sarili kung hindi yung pananampalataya nila. Lalongh umiigting ang paninilwala nila. Kung baga, props lang ang padugu-dugo effect nilang yun.

Pero sana tigilan na nila yun, kadiri talaga eh!! [kaya nga ayokong maging doktor o nurse dahil takot ako sa dugo eh!!] isa pa, exposed yung mga malalalim na sugat sa kung anu-anung dumi. Buti nga hindi pa nangangalasug yung mga baga ng mga yun sa kakapalo. [mukha kasi silang human tocino!!] marumi ang paligid... baka may AIDS pa yung isang nagpepenetensya, eh di naisabog na niya ang sakit niya sa mundo!!! AAAAH!!
Basta, nasasiseridad naman ng tao yan.. marami pa namang paraan kung paano mapagsisisihan ang kasalana eh..

isa pa, isa to sa mga SCHEDULED AFFECTION!!!!!! Feeling nilang magpakavictim sa mga panahon na yon sa kasalanan nila. Eh pagkatapos? Ayun, umiinom na naman, nambababae, at kung anu-ano pa~!! Eh sakit lang pala ng katawan ang hanap ng mga to eh!! [hindi naman lahat!!] basta, against talaga ako dito. Kapag ako ang naging santo papa, lahat ng magpepenetensya, kung talagang sincere sila, ay dapat mamatay din sa Good friday.. Since gusto rin nilang samahan si Christ sa paghihirap, lubus-lubusin na nila...

TILL DEATH DO THEY PART!!!

Part 1 of 2

nung bata ako, nagwiwiler kami ng tatay ko at pumupunta sa isang subdivision sa amin para manuod ng mga nagpapadugong ito. Minsan nga, gusto ko ako ang humampas para maramdaman nila ang sakit ng mundo, yung haMpas na hindi na sila makakatayo.

pagkatapos nilang pamanhirin ang likod, pipila sila ahabang humahampas pa rin. tapos susugatan sila gamit ang isang brush na ang bristle ay pako at bubug!! cute di ba??? Amazing!!! basta kadiri tapos, mamayang konti, may hihimatayin na sa hilo... nakatapak kasi sila at nakagapos ang paa.. dumadapa-dapa pa kunwari, if I know inaantok lang yung mga yun... basta, sensya na kung masyado akong bitter sa mga to!! kadiri lang talaga!!!

Wednesday, March 16, 2005

bragais: gauntlet*

sa wakas, natapos na rin ang USC elections. kasabay nito, natapos na rin ang pangangampanya ng mga kandidato. isang linggo rin 'yon ng paghahanap ng boto; isang linggo ng pangangampanya sa mga klase; isang linggo ng pangangampanya sa mga organizations sa iba't ibang kolehiyo; isang linggo ng pangangampanya sa mga dormitoryo.

dorm tour sa narra residence hall: ito ang nais kong ibahagi ngayon. naging tradisyon na ng narra ang gauntlet. ito ang tawag sa gabi ng pagdalaw ng mga kandidato sa nabanggit na hall. kumpara sa pangangampanya sa kalayaan residence hall, ang gauntlet ay higit na matagal (ngayong taon, halimbawa, nagsimula ito ng 9:00pm at nagtapos ng 2:30am); mas matagal ang Q&A (halos walang katapusang tanungan; maaaring magtanong ang mga residente ng kahit na ano, kahit anong maibigan nila!); puno ng kakaibang challenges na sa narra lang 'ata nila mararanasan (kabilang dito ang pagtagay ng Ginebra gin, pagkain ng saging, 'pag cartwheel, 'pag egg roll, roundhousekick, 'poste', 'bintana', pag tumbling at pagbibigay ng joke).

GAUNTLET- 8:00 PM

napansin ko itong nakasulat sa blackboard ng lobby nang minsang mapadaan ako. ito na nga ang gabing pinakahihintay ko sa buong campaign week. hindi ko makakalimutan ang sinabi ni RJ, tumakbo para USC councilor last year..

"bro, nagpunta na ba sila sa narra?"
"hindi pa. bakit?"
"wahehehe. sumama ka, ang saya! ang kulit..wahahaha.." (hindi ko rin makakalimutan ang pagtawa nyang 'to. mukhang masaya nga ang gauntlet..)
"bakit?"
"basta! wahihihi."

ipinagpaliban ko ang panononod ng play para lang dito. eksaktong alas-otso'y nasa lobby na ko. pero ba't ganun? wala pang masyadong tao sa lobby; ako lang, si manang guard, at dalawang lalakeng nagtatable tennis. isang oras din akong naghintay. buti na lang at dumating sila (kung hindi'y pagsisisihan ko ang di panonood ng play), ang ALYANSA, ang STAND UP, at ang independent candidates. nag-page agad si manang guard via the intercom. pinapasok na rin ang mga kandidato, hindi lang sa lobby, pati na sa loob ng dormitoryong exclusively for men, hindi lamang para mang invite ng mga residenteng manonood sa kanilang pagtatanghal, kundi, marahil, upang makita nila ang bulok na facilities ng narra, ang sira sirang mga kwarto't mga comfort rooms, nang sa gayo'y may maisagot sila sakaling hanapan sila ng solusyon sa problema ng mga dormitories sa UP.

maya maya pa, bumalik na ang mga panauhin sa lobby at umupo sa kani kanilang mga upuan. mapapansin mong hindi kumpleto ang slate ng magkabilang partido; kung paanong hindi lahat ng independent candidates ay nakadalo. "nenerbyos na yung mga kandidato o!" humanga ako sa mga candidates na nagkalakas ng loob na pumunta dahil alam kong alam nila kung anong mangyayari sa mga susunod na oras; gayunman, hindi ko sinasabing duwag ang mga hindi nakapunta.

unti unting dumami ang tao sa lobby. pagkatapos ihanda ang karaoke't microphone, shot glass at isang bote ng Ginebra gin, isang supot ng saging, at matapos palabasin ang mga supporters na non-resident, tuluyan nang sinimulan ang gauntlet.binigyan ng pagkakataong magsalita ang bawat kandidato, isa isang nagpapakilala kasabay ng pagbabanggit ng programang nais isulong. lumalakas ang palakpakan ng mga kalalakihan kapag babae ang nagsasalita sa harap; sisigaw naman ng 'tagay! tagay! tagay!' kapag lalake. (si tina langit ang unang tumagay sa hanay ng mga babaeng kandidato, sa ngalan umano ng serbisyo. bunga nito, namumula ang mukha nga sa buong gauntlet).

habang nagpapakilala ang mga kandidato, may isang lalake namang namimigay ng mga papel kung saan isusulat ang mga tanong, walang restrictions, kahit anong tanong. sa ilang sandali pa, nagsimula na ang mala-forum na bahagi ng gauntlet. narito ang mga tanong..

(kinuha ko ang mga papel na ito pagkatapos ng gauntlet, wala akong binago o pinalitan, sinipi ko lang kung ano ang eksaktong nakasulat. sa mga tanong, masasalamin kung anong uri ng kultura meron ang narra, marahil, kung anong uri ng kultura meron ang buong unibersidad.)

ang sino mang sumasagot ng tanong ay inaalok tumagay. (para umano sa serbisyo. may tumatanggi at may hindi. jeff crisostomo- ang lakas uminom. astig.)

para kay tina langit:
ilan kayong magkakapatid? bakit? (sagot: anim. dahil sobrang fertile ang parents, at sobrang nagmamahalan.)

para kay ray sevilla:
saan ka pinaglihi? (sagot: sa balut, dahil balbon sya.)

doods, where is your car? (sagot: nasa pampanga. wala pang lisensya.)

para kay gayle: gayle, may boyfriend ka na ba? (sagot: wala.) (palakpakan.)

paolo, kung papipiliin ka ng kamukha sa narra, bakit si spongks? (dahil sya ang tumatagay.) ( nagpakuha ng litrato ang dalawa. walangya, magkamukha nga sila.) (tawanan. palakpakan.)

to gayle,
pwede kayang mahalin ng isang babaeng tulad mo ang isang ordinaryong lalakeng tulad ko? (gayle: sinong nagsulat nun? ikaw? oo naman. through time, matutunan din kitang mahalin.) (tawanan. palakpakan.)

dennis nocamora, anong binebenta mo? (sagot: encyclopedia) (tawanan. palakpakan. hiyawan. muntik na ko maiyak sa sagot.)

jerson, ano yung highschool mo? astig ang polo mo! labang safeguard 99% germ free!" -ariel user

alvin peters, hindi pa ba naiimbento ang suklay? (sagot: ganoon na daw talaga ang buhok nya mula pa pagkabata. tumayo ang nagtanong. kulot din.) (tawanan. palakpakan. hiyawan.)

kay jp, kung sakaling mabubuhay kang muli, bakit anay ang pipiliin mo? (wala pang sagot. palakpakan. hiyawan.) (sagot: dahil may organisms ito sa stomach na tumutulong sa...) (hindi na natapos ang buong sagot. "pwede, pwede, pwede, next question..")

ang bulag ba 'pag nanaginip bulag pa rin? (tawanan. bulungan.) (sagot mula sa isang independent: oo. may naging classmate daw syang bulag, dati nakakakita, pero nabulag eventually. tinanong nya. talagang tinanong nya, ha? boses lang daw ang naririnig nito. madilim.)

parami ng parami ang populasyon ng mundo, bumibigat ba ang mundo? (sagot: hindi. may sumagot gamit ang physics, mayroon ding gamit ang chemistry.)

kung papipiliin ka, bakit gusto mong maging lumot sa pader? (sagot ng kandidatong mbb stud: mutualism na nauwi sa commensalism.. (hindi na natapos ang sagot. "pwede, pwede, pwede.. next question please..")

gayle garcia, anong shampoo mo?

kung gusto mong maging superhero, bakit si batman? (sagot ni berms ng alyansa: dahil astig. maraming lalagyan ang belt nya..) (hindi natapos ang sagot. "pwede, pwede, pwede.. next question please..")

edz, taga-narra ka ba? (sagot: hindi. pero gusto nyang mag narra kaso hindi sya pinapayagan ng dorm manager.) (mas malakas na palakpakan. mas malakas na hiyawan. mas malakas na tawanan. maiiyak na ako..) (si edz kasi ay katulad ng ilang binabae sa narra, mukhang babae na.. mukha pa ring lalake.)

kung papipiliin ka ng magiging ama mo, ba't si satan ang pipiliin mo? i-relate ang sagot sa isang kanta. kumanta pagkatapos. (sagot: camp fire's burning.. campfire's burning.. dahil mainit sa.. "pwede, pwede, pwede.. next question please..") (nice answer. nangingilid na ang luha ko..)

pwedeng pakantahin si sen? (syempre kumanta naman siya.)

tina langit, kaya mo bang gayahin ang boses ni rey langit habang gumigiling? (pwede. ginaya ang boses ni rey langit, sabay gumiling. "tina, utang na loob, huwag kang gumiling..") (palakpakan. hiyawan.)

jp, pwede mo bang isayaw si chris lao (sweet dance)? (pwede. pumayag si chris lao. pinabilib ako ni lao.)

para kay michael ng stand up,
kasali ka ba? (tawanan.)

for tina, what can you say to atom na pasulyap sulyap sa bintana [sa labas]? (sagot: atom, kamusta yung show mo sa..)

paano mo aaminin sa tatay mo na bading ka? (sagot ni chris lao: ipapakita nya muna yung bill na "ginawa/gagawin" nya, anti discrimination bill umano, tapos aaminin nya na na binabae sya) (sagot ni jeff crisostomo ng alyansa: sasabihing may sakit na cancer at malapit nang mamatay.. tsaka aaminin.) (e ikaw edz, paano mo inamin na bading ka?) (sagot ni edz ng stand up: "tatay, bading po ako. bading na bading.") (bwahahaha.)

edz, taga balara ka ba? (sagot: no.)

carlo, kasali ka ba rito? ba't ka nagtatago?

josa, sinong mas maganda sa inyo ni krasti? (naging napaka ingay ng dorm. pinapunta sa harapan ang dalawa, isang babae at isang baklang mukhang babae.) (sagot ni josa na nag isip nang mabuti: siya!!) (krasti,anong masasabi mo?) (nag isip nang mabuti at sumagot: thank you!) (naiyak yata ako sa part na 'to.)

kay josa, paano mo ako matutulungan sa aking lovelife? im currently loveless. call 09266708819.

josa, nakalimutan lang namin, may BF ka na ba? (sagot: wala) (masigabong palakpakan.)

berms at madz, magsalita naman kayo. baka mapanis laway nyo.

para sa alyansa, bakit putol yung braso ni oble sa tarp [tarpaulin] nyo? sa stand up, red flag yung hawak, ano sa inyo? blue? hehe. (sagot ni eric passion: ang putol na bahagi ay sumisimblo sa mga estudyante.)

ikaw ay nasa school playground. may swing, see-saw at may 8-ft high na slide..nasa taas ka ng slide. kung papipiliin ka ng pag-iislidan mo, alin ang mas gusto mo, may nakausling blade o bubog? i-relate ang sagot mo sa isang OPM song sa pamamagitan ng 3 lines or less mula sa song? (sagot ni paulo: "ako ang hari ng sablay.. ako ang hari ng sablay.. hinding hindi makasabay..") (sandali paolo, wag ka munang aalis, hindi mo pa sinasagot ang tanong) (sagot: bubog. para sumablay.)

(aside: sa gitnang bahagi ng gauntlet ay ang 'banana eating.' hindi lang ito basta basta pagkain ng saging. unang una, tanging mga babae lang ang papakainin ng saging. pangalawa, kailangang kainin sa harap ng mga lalakeng manonood. masasabi kong ito ang pinakamahirap na challenge sa mga babaeng kandidato. hindi pinipili ang pakakainin; tanging ang may gusto lang o ang may lakas ng loob lang. si gayle ng alyansa ang unang sumubok. lantad naman kung anong gusto ipahiwatig ng mga narrehans dito; kung kaya't tuwang tuwa ang mga kalalakihan at nagdadalawang isip ang mga kandidato. lahat ng galaw ng babae ay tinitingnan. simula sa paghawak ng saging, pagbabalat, at pagkagat hanggang sa tuluyang pagkain. may ilan pang sisigaw ng "aray!" sa sandaling kagatin na ang saging; kasabay nito'y ang halakhakan ng mga nanonood. si gayle lang ang nagkalakas loob sa partido nila. sa mga independents naman, may tatlong nagkalakas ng loob. sabay sabay sila sa pagbalat at pagkain, yun nga lang, iba iba ang paraan. sa stand up, pinangunahan ni jossa deinla ang pagkain, kung saan ay nanawagan siya sa mga kapartido ng "Sama sama Tayo sa Pagkain ng saging." end.)

(aside uli: marami pang saging na natitira. pinilit pa ang iba na kumain, tulad nina tina't tin antonio, subalit nagmatigas at hindi pumayag. sa sandaling wala nang mapilit, nabaling ang atensyon kay edz ng stand up. bagama't hindi siya babae, hindi siya nakaligtas. katulad ni krasti, isa syang bakla na lantarang ipinapakita ang pagka binabae sa pamamagitan ng pagpapahaba ng buhok, pagpapaumbok ng dibdib, at pagkilos gaya ng babae. hindi na sya kailangan pang pilitin. "kakainin ko ng buo ang saging." sa gitna ng nagsisigawang mga kalalakihan, kinain nya nga ng buo ang saging. end.)

(balik sa tanungan.)

to andrew independent, ilang araw na ang pantalon mo?

cris lao, ang cute mo. bading ka ba?

jp, ba't ka nang aaway?

kay jp, bakit nambabastos ka ng mga estudyante nung fair 2003-04? (aside: ito'y tungkol sa palaging problema ng 'pagpalabas ng mga organizers sa mga booth handlers sa fair grounds' taun taon bago magsimula ang isang fair night. naging matagal ang pag uusap na ito na nagtapos at nauwi sa pagtagay ng gin at paghingi ng paumanhin.)

sinong weakest link sa partido nyo at sa kabilang partido?

sa mga independents, ba't di na lang kayo gumawa ng party?

kay jill, inaantok ka na, tama ba na ipakita mo sa narra na naghihikab ka na?

sa alyansa, bakit humina yung sound system [sa fair] nung parokya na ang tumugtog? pahina na rin ba ang committment nyo?

sa independents, sinong nag-lay out ng nameplates nyo? ang ganda kasi.

PARA SA INDEPENDENTS, sino yung nagfinance ng mga IDs nyo? kala ko ba hinde kayo party? pati posters nyo pareho yung format. - FA stud

kung pwede mong i-trash talk ang kabilang partido, anong sasabihin mo? [malinaw na, itatrash talk mo nga.]

To STAND UP & ALYANSA, bakit kailangan nyo pang maglabas ng flyers na naninira sa isa't isa?!!

para kay jeff crisostomo, bakit ka natutulog sa klase? ibig sabihin ba tulog din ang paglilingkod mo?

CPs [chairs], anong magagawa nyo para matulungang manalo ang mga kalaban nyong kandidato?

anong magagawa nyo para sa mga nakatayong taga narra?

2 problems
UP budget cut
UP needs money
what are your solutions?

sa incumbent USC, kape at bluebook na lang nga ang amin, tinanggal nyo pa last sem. anong nangyari? car stuffing at party na lang ba tayo? paano kaming laging 'broke' at 'heartbroken?'

anong plano nyo para sa mga dormitoryo sa UP?

To Jamir Ocampo,
Ano ba ang isyu sa VAT? Pakilinaw ang stand mo, playing safe ka! Hubad ka 4 dat papa. -salaVAT

JP Lapid, bakit kailangang hindi ka iboto ng mga estudyante sa UP?

Chris Lao, anong ginagawa mo rito?

Anong maipaglilingkod nyo kay Ate Guard maliban sa rally at propaganda?

for all:
tinanong din ito kay atom [last year]. bakit? paano? kailan? saan?

tina langit, anong masasabi mo sa isyu na nung pinalitan mo si emil tapnio bilang chair ay nagsialisan ang ibang college reps nyo sa slate at yung vice chair dapat na si kat tan?

STAND UP, kung simbolo ng paglaki ng populasyon ang tao sa labas [supporters], paano nyo magagawan ng paraan na mabawasan ito?

to gayle and arvon, ano yung stand nyo about the vat isyu considering na taga econ kayo? dapat sensible..

para sa lahat, ano ang nararamdaman nyo na STAND UP ang sinusuportahan ng mga janitors at manininda. -janitor

to ivan picazo,
bakit ka tumiwalag sa alyansa?

alyansa, ilang organizations ba yung humiwalay senyo recently at bakit?

sa stand up:
ano masasabi nyo sa 80% ng mga students na bumoto in favor of the USC Bill na sinasabi nyong pro-commercialization?

for stand up and alyansa:
mamili ng kapartido na gusto mong ipalit sa kabilang partido at mamili ng taga kabilang partido na ipapalit sa kanya. ipaliwanag ang sagot.

ivan, ano strengths mo relative kina marco at tina?

kay cris lao at jeff crisostomo,
cris lao, di ba buklod CSSP ka dati? anong nangyari?
totoo ba jeff crisostomo na magkasama kayo dati sa isang partido? bakit ganon?

anong magagawa mong mga kongkretong paraan para sa lumiliit na budget ng UP?

tuwing gauntlet ay tinatanong ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nasusolusyunan ang problema. paano nyo susupilin ang mga taga narrang hindi nagbubuhos ng kanilang mga tae sa inodoro? [yuck]

para sa lahat: ano stand nyo sa dorm fee increase?

hanggang saan ang kaya mong gawin sa narra?

pwede ba kayong mag cart wheel para sa narra? sa ngalan ng serbisyo?

(aside: nag cart wheel at nag round house kick si gayle. nag cart wheel din si chris lao [tapos umikot sya ng 720 degrees sa ere. nakalimutan ko kung ano yung tawag dun.]. pagkatapos nito, nag request ang emcee sa mga hindi masyadong nakakapagparticipate sa tanungan na 'magpakitang gilas'; nag egg roll si mike; nag 'bintana' si jerson [simple lang, nag ala spidey lang naman sya sa bintana]; nag 'poste' naman ang isa pa [aakyat sya sa poste at aabutin ang ceiling].

ang ibang hindi marunong tumambling o mag ala spidey, ay pinakiusapang mag bigay ng joke. narito ang mga jokes nila.

"anong sinabi nung isang isda nung makasalubong nya yung kumpare nyang isda na matagal nya nang hindi nakikita?"
anong sinabi ng isang isda nung makasalubong nya si nemo?
"anong makikita sa loob ng malinis na ilong?"

sobrang nakakatawa yung mga joke na 'to dahil sobrang hirap sagutin. kelan ko ba unang narinig ang mga joke na yan? naiyak din ata ako dito sa tuwa.

yung mga kandidatong walang maibigay na joke, ay tinuruan ng mga manonood kung anong joke ang marapat ibigay. uutusan lang silang banggitin ang mga salitang "molave, yakal, at ic." susunod naman ang mga kandidatong ito. "molave." tatawa na ang mga nanonood.

nakakatuwang tingnan na gagawin ng iba ang lahat para lang makakuha ng boto. nga pala, walang nanalo sa mga nagbigay ng joke. end.)

for alyansa
anong tinutukoy nyo sa 'continued change'?
how will you redefine leadership, service and activism in UP?

may nagbigay ng papel sa emcee na nagsasabing..

ALA-UNA NA. NARRA ENGLISH TIME NA!

well, it's also a tradition in the hall to speak english when the clock hits 1 am up until 7 am. there are actually parts in the dormitory where notes like "you are now entering an engish speaking zone" and "tomorrow is english speaking day" are posted. the emcee started using the foreign language; he even translated those that were written in the local language. the candidates didn't have any other choice but to follow the simple rule. they were booed whenever they use words like 'tubig, talaga, and kasi.'

in boxing there is a staredown before the fight, could we request the usc chairperson candidates to have staredown at the center for 15 seconds?

to carmi,
why do you keep on staring at me? don't do that, i have a future with jossa! -humble

ALYANSA
Define leadership, service and activism. Redefine them.

what is the difference between creation and construction?

to gayle, can we have your cellphone number?

alyansa, bakit stand up? (alyansa, why stand up?)
stand up, bakit alyansa? (stand up, why alyansa?)

(aside: jeff of alyansa answered "firm principles" while marco of stand up answered "continued change")

(someone from the crowd shouted in disgust "magkaisa na lang kayo." another clamored "you're supposed to hate each other.")

it's almost two in the morning, so the chairman of the house council decided to adjourn the gauntlet. he gave the usc chair aspirants the chance to talk for the last time.



yung isa'y humihingi ng pagbabago sa pamunuan. pagbabago sa 'uri' ng mga lider-estudyante, samakatuwid baga'y ng partido. kahit sino na, basta't wag lang yung sa kabilang partido. hehehe. ipagpatuloy 'di umano ang pagbabago. iniisip nila sigurong makakalimutan ng mga estudyante na walang pagbabagong ginagawa ang gobyerno, kapag iba na ang 'namumunong uri.' sa ilang taon umanong 'paghahari' ng kabila, wala itong nagawa. kaya't subukan nyo kami. subukan nyo ang bago. [walang kwenta 'tong pinagsasabi ko. booo. batuhin nyo ko.]

ang isa nama'y nagsasabing "dyaske, eh pareho lang yang dalawang yan eh. mga bingi ang mga yan sa panawagan sapagkat isinusulong lang nila ang sarili nilang mga interes batay sa kanilang mga prinsipyo. subukan nyo kami. wala kaming partido. wala kaming pinapanigan." [wala talaga 'kong kwenta. ipako sa krus.]

ang isa pa'y nagsasabing "sa ilang pagkakataon, kailangan talagang manindigan. hindi maaring magsama ang pro at anti. mamili kayo." [barilin nyo 'ko. please. at nang matigil ko na 'to.]

***

sabi nila, hindi raw ganun kahirap ang gauntlet ngayon. nung mga nakaraang gauntlet daw, nag iiyakan daw talaga ang mga kandidato, naghahamon ng away, at namamatay sa hiya ang iba.

may ilang tanong na hindi pinalad na maitanong sa mga kandidato.. either sobrang baboy ng tanong o hindi naibigay ng maaga.. tulad ng..


*0$$@, pwede ba kitang anakan? kahit 10 lang? pwede ba?

for *1*@,
totoo bang may anghit ka?

b#@*$, bakit ganyan ang hitsura mo?

*@**0, una USC councilor, sunod regent, ngayon naman USC chair. ano sunod UP President? isa kang trapo!

@*^0*, ba't kaboses mo si boy abunda? dahil ba pareho kayong bakla?

(para kay cris lao at ivan)
(tayo muna sa harap)
open ba kayo sa man-to-man relationship? bakit oo?

kung bibigyan ka ng pagkakataon ng Diyos na maging anumang bagay dito sa mundo, bakit mo pipiliing maging tae?

sino ang mas malakas, si superman o si captain barbell? pangatwiranan.

ang saging ay kulay dilaw, bakit ang banana ketsup kulay pula?

alyansa
ka 'alyansa' ba namin kayong mag-alis ng damit nyo (mga lalaki) sa harapan namin?

sa stand up
PURO KAYO DADA! araw araw gusto nyo nakapula. dinudumihan nyo ng paulit ulit na pamphlet at pambalot ng pandesal [some text missing?] hindi nyo ba naiisip ang reputasyon na itinaguyod ng mga totoong aktibista gaya ni Lean Alejandro na Narrehan na ngayo'y isang bayani na at tunay na taga UP na aktibista? [ipagpaumanhin nyo po. lasing ata nagsulat nito.]

[marami pang iba]

[marami pang iba]

***

enrolled studs- 22778
studs hu voted- 9099
percent of studs hu voted- 39.95%

gang ngayon, hindi pa rin napoproklama ang mga nanalo..

*ngayon ko lang na-post. 10 dekada na kasi 'to sa draft section.
*wala lang

Raquel: careerin ang blog!!!

haay!!!
masakit na ang daliri ko sa kakapindot at kakamadali dahil under time pressure ako.
mantakin mo, sandamukal na papers ang dapat kong magawa. lahat ng yun ay nakadue sa 22. tinotorture na ako. ang masaklap pa, kailangan kong araw-arawin ang pagkokomputer sa SC par mag-internet at magtype!!! ubos na ang allowance ko!!! HAAAAAH!!!

****hingang malalim*****
sabi ng socio prof ko, ang taong tunay na malaya ay yung mga mamamatay tao, delingkwenteng mga estudyante, pasaway sa buhay, mga adik, at ang mga taong, aniya'y lumalabas sa "normal" na buahy.

kung sa bagay, tama siya, kasi ang mga taong iyon, walang sinusunod.. ay! meron pala.. sinusunod nila ang mga sarili nila. nasgiging malaya sila sapagkat mayroon silang lakas ng loob upang lumihis sa kung anung sibnasabi ng lipunana na tama.

Pero san nga ba nanggaling asng tama at mali? sinong nagpasimuno na ang bagay na to ay tama at ito ay mali? Kung sino man siya, SUNUGIN!!!
hanggang ngayon, yun ang tanong kop. kaya hindi ko rin masisi ang mga taong lumilihis sa mga bagay na alam nating tama at mali, lalo na moral!! isa pa yun... kainis talaga ang world!!

***kakalma nang konti. nag-uumpisa na ang pagiging mapanghimagsik!**
pero hindi ako tibak ah.. napaisipa lang talaga ako sa mga bagay na ito..

kayo???

isa pa

Raquel: SM Tayo!!!

nakakaumay..
dambuhalang blue na kahon, maraming banderitas sa labas.. maraming adik na pumapasok dito..[isa na ako dun] at pagtingala mo: S-M!!!

sabi nila karamihan ng nasa SM [anumang branch] ay mga kapampangan [lalo na nung wala pang sm sa amin]. Sabi nila yun... ang mga kapampangan kasi, hindi lang mahilig sa pagkain, mahilig din sa mga damit. pero sila, kahit tumitingin ang, busog na!! Astig di ba?

----------------------------------------------------------------------> pero nakakainis talaga pag sale!!!
kunwari nakakamuro pero ang totoo, nabibili ang mga produktong yun ng mura kasi old stock sila. Ang mga tao naman feeling nila na bago yung mga yun kasi noon lang nilabas. As if?!!! tapos sale na nga, libo libo pa rin ang presyo..

_____________________________________________________________________
megamall tayo..
nung nagsit in ako sa isang art stud na class nung first day ng second sem, sabi ng proff nila na sa megamall daw fiedltrip nila. [FIELDTRIP!]
WIERD DI BA..
pero hindi lang daw yun malling..
mayroon daw kasing skreto ang megamall na maaaring hindi napapansin ng iba.. pero atin atin lang eto ah..

habang pataas ka raw ng pataas ng floor, pamahal nang pamahal ang mga bilihin. kung gusto mo raw makita ang mga bagay na tiyak na maninigas ang panga mio sa ganda at mahal ng mga gamit, umakyat ka sa upper floors.

parang may lebeling yan ehh.. alama mo yun, lebeling..

kung medyo poor ka, sa baba ka lang. at kung medyo sosi ka ng konti at can afford, umakyat ka.
pero hindi ko pa ito proven.. kapaga may nakapagpatunay sa inyo nito, kuwento niyo naman sa akin...

Raquel: sex scandal..gusto mo?

hehehe...
nabuhay na naman ako...
boring ang buhay pero
masaya.. weird noh?? eh ano nga ba ang magagawa natin?

^_^

2 of 2
by the way, nakita ko yung sex scandal ni mahal... ANG PANGIT!!!!
NAKAKATAKOT! Parang tyanak na nakahubad.. [iiiyh, sensya na ah.. ang bad bad ko..]
ang nakakatawa lang, ang sabi ng mga kasama kong nakita rin yun eh ito:
"Ang cheap!! Yuck! Tabo at timba and to think na di ba?"

ang gulo noh? hindi ko rin sila maintindihan.. kawirduhan sa buhay, pati sa akin binibigay. eh anung magagawa nila kung hindi maabot ni mahal yung shower? At wala siyang pambili ng shower. Isa pa, mahal ang tubig ngayon kaya makuntento sa tatlong tabo.
_____________________________________________________________________

*sigh*
basta.. ganito kasi yung laman ng video.. *hhmmp* well, nakahubad siya, naliligo nang naka side view. oh di ba hanep sa projection? tapos kinikilig habang kinukunan ng video.feeling siguro nya moment nya yun to have a porno movie.. pero kadiri talaga!!!
*sigh*

---------------------------------------------------------------------

isa pa.. isa pa..
isa pang chicken joy. [wala lang]!

si maureen larazabal, meron ding sex video. hindi ko pa actually nakita pero sabi nila,,, hmmm secret. eh ano pa ba ang aasahan mo sa mga sex video eh di puro tuuut at tuuuut na may tuuuuuut na style..

*some text missing

pero ganun pa man, sayang talaga ang mga babae, bakit kailangan pa nilang ilantad ang mga pribado nilang buhay? kung sa bagay, maraming tao yung may gusto na pagpantasyahan ang buhay nila. basta ewan.. bahala sila sa buahya nila.!!!

Tuesday, March 15, 2005

huling papel - mga gabay-tanong

1. Anong uri ng alienation ang ipinakita sa aling mga eksena ng Last Order sa Penguin?

2. Sino ang tama sa debate sa dulo ng dula, si Tuxqs o si Sweet?

3. Gamit ang mga metodong natutunan sa "News Stories on Rape," suriin ang mga representasyon ng bakla at lesbiana sa dula.

4. Anong uri ng popular na kultura ang tinatangkilik ng mga tauhan at bakit? Ano ang sinasabi nito tungkol sa kanilang pagkatao?

Raquel: hapi birthday!

*hapi hapi hapi birthday!!
*hapi valentine's day!!
*hapi monthsary!
*hapi anniversary!!
*happy mother's day
*hapi father's day
...
*some text missing*

_____________________________________________________________________________________scheduled affection.
eto yung sinabi nung pari sa amin nung huli akong magsimba. Oo nga naman, anu ba ang diperensya ng may birthday at araw-araw ay birthday? Bakit kailangang maging espesyal ang naturang araw para sa isang tao...? ^_^

kadalasan, nagiging extrabait ang mga tao sa kanilang special blah blah day. Ang gagara!! Mantakin mo na ang pinakakuripot na tao sa mundo ay nagagawang manlibre? tapos smile all the way. Ibig bang sabihin nito na itong mga araw na to lang siya mabait? hhmp...

Ang maaklap pa, after ng mga araw na ito, wala lang. boring na ulit mga buhay nila. kunwari, mother's day. Gabi bago ito, maghahanda si daddy at mga anak ng surprise kay mommy. eh di yun.. nabibilhan ni daddy ng magagandang regalo si mommy na ang huling pagbibigay ata nito sa kanya ay nung sinagot siya.. haay!! bakit kasi kailangan nakaschedule pa ang ganitong klase ng pagpaparamdam?
kaya kapag ako ang naging presidente ng pilipinas, araw araw birthday, piesta, mother's day, father's day,at iba pa!! wala na ring monthsary. Daysary na para lahat ng tao laging masaya!


*smiling face*

Raquel:naninigas ang...

tama.. naninigas ang panga ko sa dami ng cell phone na nakapaligid sa akin.. Haay!!! Ang hirap maging adik sa cell phone...
Nagpunta kami sa greenhills ng mga kaibigan ko. bibili kasi siya ng cell phone. syempre una niya akong nilapitan kasi alam niyang lagi akong updated sa mga to.. aba naman!!! Ako pa??? hehehe...*some text missing*

part 2 of 2
...nakarating kami nang maayos. buti na lang... syempre umalis kami nang maaga sa dorm para may alloted time para maligaw. Masaya. Lalo na kung hindi mo alam kung saan ka bababa at masukasuka ka na sa sobrang pangangarag ng bus at sa super mega lemon na freshener...
so eto na... inumpisahan na namin. inisa isa ang lahat ng puwedeng mapagtanungan. Kainis!!! dikit-dikit ang mga presyo at hindi mo malaman kung alin ang recon sa brand new at sa mga totoong tindera at sa mga manggagancho. Lahat pa man din sila in full blast sa make-up!!! [akala mo sasabak sa beauty pageant] so imbes na ,mainspire kami sa pagtatanong, halos mahilo kami sa masyadong colorful nilang mga mukha.. haaay!!!

----------------------------------------------------------------------------------uh!
cellphone ulit.
At last, after hundreds of years nang pag=iikot at pagtatanung sa mga nakukulitang mga tindera, nakabili na kami!!! *yehey!!* saya di ba? parang ako na rin ang nakabili.
[palibhasa, bitter ako. wala na akong pera!!! as in! salamat din sa friend ko at nilibre niya kami ng snacks. akala ko kasi, lahat ng tao kuripot!! meron pa palang mahilig magkawang-gawa..]

_____________________________________________________________________________________
ngek!
ewan ko ba, bakit ganito na lang tayo ka-conciuos ng mga cellphone natin. Gusto laging bago tapos dapat laging updated ang laman... pero wala naman load!!!
Kung sabagay, hindi naman natin pigilin ang isang tao kung saan siya sasaya. eh kung eto nga lang ba ang makakapagpangiti sa kanya bakit natin siya kukwestyunin. ang importante afford mo!!!

part 1 of 2
*sigh*
nakakaiyak!!! naninigas na ang laway ko.. kailan kaya ako makakabili ng bagong cell phone??

Links